Ginarantiya ni Senate President Tito Sotto na ‘forthwith’ niyang aaksyunan ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kung sakali man na umabot ito sa kanilang institusyon.

Ayon kay Sotto, kung ganito man ang mangyari ay agad niya itong ipapaalam sa kanyang mga kasamahan at mabilis din niya itong ipapadala sa Senate Committee on Rules.

Hindi na rin umano kailangan pa ng senador na himayin at alamin ang kahulugan ng ‘forthwith’ dahiul alam na niya ito.

Para sa iskedyul ng impeachment kung matuloy man ito sa Senado, sinabi ng senador na kanila muna itong pag-uusapan nang maigi.

Bagamat kwento niya, iminungkahi ni SP Pro Tempore Ping Lacson na gawing Monday-Wednesday-Friday ang impeachment habang Tuesday-Thursday ang session session.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang banda, aminado ang senador na magiging matrabaho ang paghawak dito kung sakali man na itransmit ito sa kanila ng mababang kapulungan.