Ipinagutos ng Israeli military sa mga residente sa Gaza City na lumikas patungong central Gaza strip kaugnay sa nagpapatuloy na operasyong militar sa Norte
Sa pamamagitan nmga leaflets na inihulog ng aircraft ay inabisuhan ang lahat ng mga residente sa Gaza City na gamitin ang dalawang designated safe routes patungo sa shelters sa Deir al-Balah and al-Zawaida.
Kasabay nito, ikinabahala ng UN sa naturang kautusan ng pagpapalikas na ikalawang pagkakataon na mula nang simulan ang giyera sa Gaza City.
Ayon naman sa Hamas, ang naturang hakbang ng Israel ay magdudulot lamang ng pagka-antala ng mga isinasagawang negosasyon kaugnay sa posibleng tigil-putukan at pagpapalaya sa mga natitirang hostages.