
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pagbisita sa Naga City ay dahil sa pulitika sa halip ay bahagi ng serbisyo publiko.
Ito ay sa gitna ng mga espekulasyon na ikinokonsidera si Naga Mayor at dating vice president Leni Robredo na tumakbo bilang presidente sa 2028 national elecctions.
Nang matanong siya tungkol sa nasabing usapin, sinabi ni Marcos na hindi nila ito pinag-uusapan ni Robredo dahil ang kailangan munang unahin ay ang serbisyo at hindi ang pulitika.
Kasabay nito, sinabi ni Marcos na ang pinaka-pulitika na kanyang ginawa ay suot niya ang kulay pink na medyas bilang pagkilala kay Robredo.
Ito ay pagtukoy sa kulay pink na ginamit ni Robredo sa kanyang kampanya nang tumakbo siya bilang presidente noong 2002 kung saan natalo siya kay Marcos.
Sinabi ni Marcos na ilang buwan na nilang plinano ang “Oplan Kontra Baha,” na sinimulan sa Naga City dahil sa critical na lokasyon nito at ang malalaking volume ng tubig sa rehion.
Iginiit ni Marcos na ang kanilang layunin ay makahanap ng solusyon sa mga pagbaha hindi lamang sa Naga City kundi sa buong Camarines Sur at sa buong Bicol Region.
Layunin ng pagbisita na personal na tingnan ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan sa flood control at tiyaking maayos ang implementasyon ng mga proyekto kontra pagbaha sa lungsod.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na koordinasyon ng pambansa at lokal na pamahalaan upang mapalakas ang disaster preparedness at maprotektahan ang mga komunidad sa Naga laban sa epekto ng malalakas na pag-ulan.










