Ipinauubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa defense team ni Vice President Sara Duterte ang magiging diskarte nito sa impeachment trial.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi nakikialam ang Pangulo sa mga estratehiyang gagamitin ng magkabilang panig sa impeachment court.

Bagama’t updated umano si Marcos sa mahahalagang pangyayari sa bansa, sinabi ni Castro na hindi nakatuon ang kanyang atensyon sa paglilitis laban sa Bise Presidente.

Samantala, nasa impeachment court ang pagpapasya kung maglalabas ng subpoena para piliting humarap si Duterte sa paglilitis.

Nasa defense team naman ang pagpapasya kung hihilingin nilang personal na humarap o tumestigo ang Bise Presidente sa kanyang impeachment trial.

-- ADVERTISEMENT --