Handa ang Philippine Bar Association (PBA) na magsilbing host sa planong public debate nina dating Supreme Court Justice Antonio Carpio at Senator Rodante Marcoleta tungkol sa West Philippine Sea.

Ayon sa PBA, magbibigay sila ng neutral at secure na venue, professional moderators na eksperto sa constitutional at public law, malinaw na protocols para sa patas na daloy ng debate, at open access sa media at livestreaming para sa transparency.

Ang alok na ito ay matapos tanggapin ni Carpio ang hamon ni Marcoleta para sa “friendly debate,” na nakatuon sa legal na estado ng West Philippine Sea at Kalayaan Island Group.

Binibigyang-diin ng PBA ang kahalagahan ng bukas, may katwiran, at magalang na palitan ng opinyon para sa kaalaman ng publiko.