Nangako ang Philippine National Police (PNP) na paiigtingin ang kampanya laban sa pagbabalik ng illegal online cockfighting games, o e-sabong operations sa bansa.

Sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nananatili ang focus ng PNP sa kampanya laban sa lahat ng iligal na sugal.

Sa kaso ng online sabong, sinabi niya na may hamon sa pagsugpo dito, lalo na dahil sa pag-usbong ng cybercrimes.

Matatandaan na binatikos ng mga senador kahapon ang law enforcement agencies sa patuloy na operasyon ng online sabong sa bansa, sa kabila na idineklara ito na iligal noong 2022.

Bagamat ipinagbabawal ang e-sabong sa bansa, may na-monitor ang mga awtoridad na may ilang operator na patuloy na nagpapatakbo ng “guerilla” operations online.

-- ADVERTISEMENT --

Inatasan ni Nartatez ang lahat ng police units na tukuyin ang livestreams, at mga operator na gumagamit ng virtual private networks (VPNs) at offshore hosting services, at mangalap ng intelligence.