Inihayag ng Quezon City Police District (QCPD) na mayroon na silang lead sa pagkakakilanlan ng unang driver na sangkot sa insidente kaugnay ng pagkamatay ng 61-anyos na si Rosemarie Orcine matapos masagasaan ng tatlong magkakaibang sasakyan sa Barangay Silangan noong Mayo 17.

Nakunan sa CCTV ang isang dark-colored na Expander na minamaneho ng lalaking tinatayang nasa edad 20 hanggang 35, may taas na 5’7 hanggang 5’11, at medium build.

Kasalukuyang isinasailalim sa enhancement ang iba pang CCTV footage upang matukoy ang plate number ng mga sasakyan.

Nahuli na ang ikatlong driver na humaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ng P60,000.

Nanawagan ang QCPD sa dalawang natitirang driver na boluntaryo nang sumuko at makipagtulungan sa imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --