Malapit nang matapos ang ginagawang renovation sa ilang pasilidad sa kamara bilang paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sinabi ni Joaquin Santiago, director ng House Media Affairs and Public Relations Service, halos 100 percent nang kumpleto ang renovation sa Batasan Pambansa.

Kabilang sa mga inaayos ang lobby ng main, north at south wing building kung saan ilalatag ang red carpet na daraanan ng mga dadalo sa SONA.

Handa na rin ang silid kung saan mananatili si Marcos at firt family pagdating sa Batasan Complex.

Sinabi ni Santiago na ipatutupad na ang lockdown sa Batasan Complex sa July 18.

-- ADVERTISEMENT --