Nagbabala ang Revolutionary Guards ng Iran na tatargetin nila ang nangungunang US technology firms tulad ng Apple, Google at Meta kung may may mapapatay na ibang lider ng kanilang bansa sa tinawag nilang “targeted assassinations.”

Sinabi ng Guards na asahan ng mga nasabing kumpanya ang pagkasira ng kanilang mahahalagang units kapalit ng bawat isang assassination sa Iran, na magsisimula ng 8:00 p.m., oras sa Iran, ngayong April 1.

Dahil dito, pinapayuhan ng Guards ang mga empleyado ng mga nasabing kumpanya na agad na lisanin ang kanilang pinagtatrabahuan para mailigtas ang kanilang mga buhay.

Ang banta ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na kasakuluyan ang dimplomasya para tapusin na ang giyera, habang nagbanta rin na lalong palalakasin ang US-Israeli campaign laban sa Iran.

Binigyang-diin ng Guards na patuloy na binabalewala ng US at tech giants ang kanilang mga babala tungkol sa pangangailangan na itigil na ang mga operasyon na target ang mga opisyal ng Iran, at inakusahan ang tech firms na sila ang pangunahing elemento na sumusubaybay sa assassination targets.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ng Guards na ang 18 kumpanya, na kinabibilangan ng Intel, Microsfot at Oracle, maging ang electric car company na Tesla, analytis firm Palantir, at chip giant Nvidia, ay nanganganib sa paghihiganti ng Iran.

Matatandaan na napatay si Supreme Leader Ali Khamenei at Revolutionary Guards commander-in-chief Mohammad Pakpour sa unang araw ng giyera noong Pebrero 28, kung saan nagbanta ang Israel at US na papatayin nila ang lahat ng opisyal ng nasabing bansa.