
Hiniling ni Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siya na bumiyahe sa Hong Kong, Macau, at japan habang dinidinig pa ng korte ang 11 na graft charges na inihain laban sa kanya kaugnay sa umano’y hindi tamang paggamit sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong huling termino niya bilang senador.
Batay sa kahilingan ni Estrada na inihain niya sa Sandiganbayan, ang kanyang biyahe at mula March 31 hanggang April 5.
Humarap si Estrada sa Sandiganbayan noong Martes para sa trial ng kanyang mga kaso at maging ang 20 na co-accused.
Naglagak ng piyansa si Estrada dahil sa bailable ang kasong graft.
Nahaharap si Estrada sa 11 counts ng paglabag sa Republic Act 3019, or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kaugnay sa umano’y hindi tamang paggamit sa kanyang PDAF sa multi-billion-peso pork barrel scam na naisiwalat noong 2013.
Inakusahan ng Office of the Ombudsman si Estrada na inilagay ang bahagi ng kanyang PDAF allocations sa non-government organizations na iniugnay kay businesswoman Jane Lim-Napoles kapalit ng kickbacks.










