Ibinahagi ni Senador Erwin Tulfo na nagkausap na sila ni DFA Secretary Tess Lazaro matapos ang naging pagtalaga sa kanya bilang bagong chairman ng Senate Committee on Foreign Relations.

Ayon kay Tulfo, base sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Lazaro na magtatakda siya ng pagpupulong para sa komite ng senador at maging sa ambassador ng China.

Anya, kung matuloy ito, isang bagay lang ang nais niyang hilingin sa China at ito ay payagan ang mga mangingisda na makapangisda sa West Philippine Sea.

Dagdag pa niya, makikiusap din siya sa mga ito na iwasan ang pambobomba ng tubig sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Samantala, susubukan naman din daw ni Tulfo na bisitahin ang National Security Council bilang nasa ilalim naman nito ang PCG at Department of Defense.

-- ADVERTISEMENT --