
Nagpahayag ng pag-aalala si Senador Raffy Tulfo matapos ang pagbagsak ng bahagi ng kisame sa arrival extension area ng NAIA Terminal 1 na nagresulta sa pagkasugat ng pitong katao.
Ayon kay Tulfo, nakipag-ugnayan na siya sa Department of Transportation upang masigurong nabibigyan ng sapat na tulong at agarang atensyon ang mga biktima ng insidente.
Binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng mabilis na aksyon sa ganitong sitwasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko. Nanawagan din siya sa DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines na paigtingin ang pagpapatupad ng safety standards sa mga paliparan.
Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente habang tiniyak ng New NAIA Infra Corp. na nagbibigay sila ng kinakailangang tulong at nagsasagawa ng inspeksyon upang masigurong ligtas ang lugar para sa operasyon.










