Pinaniniwalaang tatlo ang namatay sa pamamaril sa isang kainan at inuman sa Barangay Tanza, Tuguegarao City kagabi.

Bukod sa mga namatay, may mga nasugatan din sa insidente na ngayon ay nasa pagamutan.

Batay sa paunang impormasyon, marami ang pumunta sa soft opening ng nasabing kainan dahil sa libre ang mga pagkain at alak.

Kasunod nito ay may narinig na mga putok ng baril kung saan tatlo ang namatay.