Ipinahayag ni US President Donald Trump na isinasaalang-alang niya ang “winding down” o pagpahupa ng military operations laban sa Iran, kasabay ng pansamantalang pagpapagaan ng US sanctions sa Iranian oil shipments upang mabawasan ang pandaigdigang krisis sa suplay ng langis.

Nagpatuloy naman ang Iran sa bagong alon ng drone at missile attacks sa Saudi Arabia at Israel, matapos igiit ng Supreme Leader na si Mojtaba Khamenei na nakapaghatid na sila ng “dizzying blow” sa kanilang mga kaaway.

Sa kanyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na malapit na umano matamo ng Estados Unidos ang kanilang layunin, kaya tinuturing na nilang ipahupa ang malawakang military efforts sa Middle East.

Aniya, ito ang pinakamalinaw na senyales na maaaring malapit nang wakasan ang mga labanan na nagsimula noong Pebrero 28.

Ang hakbang ng US ay bahagi rin ng diplomatikong pagsisikap na maibsan ang global oil supply crisis at magbigay daan sa posibleng de-escalation sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --