Huli ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation kahapon ng mga awtoridad sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ng Tuguegarao Tuguegarao Component City Police Station ang suspek na si alyas Emilio, 29-anyos, kung saan nahuli siya sa Barangay Centro 5, Tuguegarao City.

Nagpanggap na buyer ang isang operatiba, kung saan binentahan siya ng suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Bukod sa ibinentang shabu, nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang pera na ginamit sa buy-bust operation at cell phone.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Tuguegarao Component City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga kinakailangang dokumento ay kasalukuyang inihahanda para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.
Press Release No. 032724-01