Itinakda na ang unang pagdinig sa kaso ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na qualified human trafficking na isinampa sa Pasig Regional Trial Court Branct 159.

Isasagawa ang paglilitis sa October 20 sa sala ni Judge Hon. Rainelda Estacio-Montesa.

Inaasahan naman na haharap ng personal si Quiboloy.

Matatandaan na naghain ng not guilty plea si Quiboloy sa nasabing kaso sa kanyang arraigment kahapon, habang sa kanyang kasong child abuse sa Quezon City Regional Trial Court ay isinagawa ang kanyang arraigment online at nagpasok din siya ng not guilty plea.

Umaasa naman ang kampo ni Quiboloy na mapapawalang sala ang pastor.

-- ADVERTISEMENT --