Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa 2028.

Bago ang press conference ay pinatanggal ni Duterte ang logo ng Office of the President.

Ang anunsyo ay inilabas sa gitna ng mga kontrobersiya, kabilang ang tatlong impeachment complaints na nakasampa laban sa kanya sa House of Representatives, na kontrolado ng mga kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang impeachment complaints laban kay Duterte ay may kaugnayan sa alegasyon ng hindi tamang paggastos sa kanyang confidential funds.

Kamakailan, inilunsad sa Cebu ang “Tatay Digong for Inday Sara Movement 2028”, na layong ipakita ang suporta sa kanyang kandidatura at pagpupugay sa pamumuno ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

-- ADVERTISEMENT --