Handa umano si Vice President Sara Duterte na siya ang unang sasailalim sa hair follicle drug test bilang tugon sa kahilingan ng ilan para sa nasabing hakbang.

Ang pahayag ni VP Duterte ay nag-ugat sa hamon na ginawa ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Hinamon ni Roque si VP Duterte at kanyang mga kapatid na lalaki na sina Davao Rep. Paolo Duterte and Davao City Mayor Baste Duterte na manguna sa pagsasailalim sa drug test.

Gayonman , sinabi ni VP Duterte na kailangan na may third party sa testing upang matiyak ang validity ng resulta.