Inihayag ni Acting Justice Secretary Fredderick Vida na wala na sa pangangalaga ng mga awtoridad ng Czech Republic si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ito ay matapos unang ibalita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nahuli at nasa kustodiya ng Czech si Co dahil sa kawalan ng tamang dokumento.

Ayon kay Vida, sinabi ng mga opisyal ng Czech na si Co ay nananatili sa Schengen area ngunit hindi na nila maaaring ibunyag ang lokasyon nito dahil sa kanilang mga panuntunan sa data privacy.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Vida sa kawalan ng impormasyon mula sa Czech counterparts.

Si Co ay pinaghahanap sa Pilipinas dahil sa mga kasong korapsyon at malversation ng pondo ng bayan kaugnay ng umano’y P289 milyong “ghost” flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Sunwest Corporation, pag-aari ng pamilya ni Co, ang sinasabing gumawa ng proyektong substandard.