TUGUEGARAO CITY- Patay ang 13 katao kabilang ang pitong bata matapos mahulog sa irrigation canal ang sinasakyang SUV sa Barangay Bulo, Tabuk City.
Batay sa paunang imbestigasyon, lulan ang 15 katao sa naturang sasakyan na minaneho ni Soy Lope Agtulao nang mahulog sa irrigation canal ang sasakayan.
Dahil dito, lumubog ang sasakyan na sanhi ng pagkalunod ng 13 katao kasama ang driver.
Idineklarang dead-on arrival ang 12 habang naisugud pa sa pagamutan ang isa ngunit namatay din kalaunan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Soy Lope Agtulao, Sidewyn Agtulao, Sywin Agtulao, Sonnie Lope , Jessiebel Paycao na pawang mga residente ng Tadian, Mt. Province: Scarlet Paycao 3 y/o, Judilyn Talawec Dumayon, Alfredo Cotit Lope , Remedios Longey Basilio,Sedarn Talawec Dumayon,Jeslyn Talawec Dumayon , Marlo perenia at Paycao Cydric pawang residente ng Bulanao, Tabuk City
Maswerte namang nakaligtas ang dalawa na sina Edith Perez at Cyrel Agtulao na kasalukuyang minomonitor sa pagamutan.
Agad namang inatasan ni kalinga Governor Ferdinand Tubban ang PSWDO na magbigay ng tulong pinansyal para sa mga pamilya ng mga biktima habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.