CTTO

TUGUEGARAO CITY-Huli ang 13 katao matapos maaktuhang nagtutupada sa isang farm sa Barangay Caggay dito sa lungsod Tuguegarao City.

Ayon kay P/Lt Franklin Cafirma bagong tagapagsalita ng PNP-Tuguegarao, agad nirespondehan ng kapulisan nang matanggap ang impormasyon na mayroong nagtutupada sa lugar.

Aniya, 15 katao ang kabuoang bilang ng mga nagtutupa ngunit nakatakbo ang dalawa nang makita ang kapulisan kung kaya’t 13 lang ang nahuli na pawang residente ng lungsod.

Nakuha sa lugar ang isang panabong na manok, 17 tari at ilang paraphernalia na kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng PNP-Tuguegarao.

Nabatid na isinagawa ang tupada sa mismong farm ng isa sa mga suspek na si Nelson Baccay.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nakakulong na ang 13 katao na nahaharap sa kasong presidential decree 449 o cockfighting law at R.A 11332 habang pinaghahanap ang dalawang nakatakas.

Tinig ni P/Lt Franklin Cafirma