Pormal nang binuksan nitong Liggo ng gabi ang 2024 Christmas Village sa Tuguegarao City, kasabay sa pagpapailaw sa mga makukulay na dekorasyong pamasko sa Tabacalera na matatagpuan sa Mabini St., Brgy Ugac Sur.
Ang aktibidad ay bilang bahagi rin ng pagdiriwang sa ika-25 taong anibersaryo ng pagiging lungsod ng Tuguegarao sa Dec 18 na idineklarang Special Non Working Day.
Dinagsa naman ng libu-libong katao ang malawak na christmas village kasabay ng concert kagabi ng mga sikat na banda.
Ayon kay Mayor Maila Que, ito ay bilang pasasalamat sa pagiging lungsod ng Tuguegarao at upang magbigay aliw, ipadama ang diwa ng pasko sa mga tao at mga bisita.
Aniya isa lamang ito sa mga nakalinyang aktibidad para sa naturang selebrasyon.
-- ADVERTISEMENT --