Sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang isang lolo matapos nitong hipuan at ipasok ang kamay sa maselang bahagi ng katawan ng batang babae sa bayan ng Calayan, Cagayan.

Ayon kay PCPL Rowel Miramonte, imbestigador ng Calayan PNP, habang nagduduyan ang 22 anyos na biktima ay biglang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang suspek na edad 70 at hinila ang kamay ng biktima at ipinasok sa kanilang kwarto.

Kaugnay nito ay labis umanong ikinagulat ng biktima ng bigla na lamang hubarin ng lolo ang kanyang saplot pang-ibaba at matapos nito ay hinawakan na ang maselang parte ng kanyang katawan.

Dahil sa sigaw ng biktima ay agad namang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang ina nito at dito na nakita ang hubad niyang anak at aktong palabas na rin ang lolo ngunit nang tanungin siya kung ano ang ginawa sa biktima ay bigla na lamang itong umalis pauwi ng kanilang bahay.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Miramonte na nasa 200 metro ang layo ng bahay ng lolo mula sa bahay ng biktima at sila ay kaniyang malayong kamag-anak kaya’t hindi nila labis akalain na magagawa niya ang pambabastos sa biktima.

Nabatid na ang ginagawa umanong pang-aakit ng lolo sa biktima upang makausap niya ito ay ang mga downloaded videos ng BTS na labis namang kinahihiligan ng biktima.

Dahil wala rin umano silang internet sa bahay ay sinasamantala na rin nito ang pagkakataon na makapanood at kung minsan ay nagpapaturo din siya ng kanyang mga projects sa lolo dahil mayroon itong internet connection sa kanilang bahay.

Ayon kay Miramonte na inihain nila ang kaukulang kaso laban sa suspek sa pamamagitan ng regular filing.