Parehong pinalagan nina Senate Committee on Foreign Relations, Vice Chairman Senador Erwin Tulfo at Senadora Risa Hontiveros ang naging pahayag kamakailan ni Chinese Ambassador Jing Quan.

Sa naging pahayag kamakailan ni Quan, sinabi nito na pupwede silang manalo agad kung gagamit lang sila ng pwersa.

Pero sa kabila nito, hindi naman daw sila gagamit ng pwersa dahil mas gusto nila ang kapayapaan.

Kaugnay ng naging pahayag na ito, sinabi ni Sen. Erwin na walang sinuman ang pupwedeng gumamit ng salita o pwersa laban sa Pilipinas para i-bully ito.

Samantala, nanindigan naman ang senador na hindi kailanman magpapasiil ang Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang banda, naniniwala naman si Hontiveros na ang pahayag ng naturang ambassador ay isang uri ng gray zone aggression na nakatago sa diplomatikong pamamaraan.

Ipinunto naman din niya na tila hindi sapat na ipatawag lang ito dahil dapat daw ay iginiit ng gobyerno na bawiin ni Quan ang kanyang naunang pahayag.

Anya, kung hindi ito gagawin ng naturang ambassador ay dapat siyang ideklarang persona non grata.