Kinumpirma ng Technical Working Group (TWG) ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may inihahandang panibagong freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa mga sangkot sa mga maanomalyang flood control projects

Hindi na tinukoy ni ICI TWG Chairman Assistant Secretary Renato Paraiso kung sino-sino ang mga indibidwal o mga kumpanyang sakop ng ilalabas na freeze order ng AMLC.

Sinabi ni Paraiso na sa ngayon sinusuri pa ng AMLC kung sino ang mga tunay na may-ari ng mga ini-imbestigahang korporasyon.

Kinumpirma din ni Paraiso na kabilang ang Misibis Bay Corporation sa sinisilip ngayon ng AMLC.

Sinasabing si dating Cong. Zaldy Co ang isa sa mga may-ari ng Misibis Bay Resort, Estates and Spa sa Bacacay, Albay.

-- ADVERTISEMENT --

Una nang kinumpirma ni Paraiso, na ang ICI ay may ini-imbestigahan ngayon na mahigit 140 indibidwal at 300 corporations na may kaugnayan sa mga korapsyon sa flood control projects.