Iginiit ni Atty. Kristina Conti na kung may institusyon na dapat tumayo habang may nangyayaring bombahan, ito ay ang United Nations, at hindi ang International Criminal Court (ICC).

Ito ay kasunod ng naging post ni Congressman Paolo Duterte kung saan sinabi nitong ngayong may nangyayaring gulo, tila naging bulag at bingi ang ICC.

Wala raw itong emergency statements, dramatic press briefing, at urgency para sa jurisdiction.

Sa isang pahayag naman, binigyang-diin ni Conti na fundamental pa rin ang hindi pagkakaunawa sa ICC.

Paliwanag pa niya, pumirma sa Rome Statute, pero hindi pa tuluyang sumali ang Iran, Kuwait, at United Arab Emirates.

-- ADVERTISEMENT --

Maging ang US at Israel, na kasama umano sa mga aggressors, ay parehong hindi miyembro ng naturang korte.

Sa huli, muli nitong inilahad na kaya nakakulong ang ama ng kongresista na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC, ay dahil nag-utos ito ng malawakang patayan mula noong siya ang tumatayong mayor ng Davao hanggang sa naging presidente siya ng Pilipinas.

Kaya rin daw idinidiin ng ICC ang jurisdiction dito ay dahil miyembro ng international court ang Pilipinas noong 2011-2019.