TUGUEGARAO CITY- Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang Austrian national at kanya umanong live-in partner na Pinay na nahuli kagabi sa drug buy bust operation sa Brngy. Ugac Norte, Tuguegarao City.

Kinilala ni Pol. Major Ruben Verbo, deputy chief of police ng PNP Tuguegarao ang dayuhan na si David Sigl at Pinay na si Lailanie Bartolome.

Ayon kay Verbo, matapos nilang makumpirma ang sumbong na gumagamit ng illegal drugs ang dayuhan ay agad silang nagkasa ng operasyuon sa apartment ng Austrian.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawa ang isang brick ng marijuana.

Sinabi ni Verbo na isasailalim ngayon araw sa inquest proceeding ang dalawa para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, pinabulaanan ng babae na mag-live-in partner sila ng dayuhan.

Ayon sa kanya, nanliligaw pa lang sa kanya ang lalaki at nagkataon lamang na naroon siya sa apartment nito nang magsagawa ng operasyon ang mga otoridad.

Sinabi pa ng babae na walang katotohanan na may nakuha sa kanila na marijuana.