TUGUEGARAO CITY-Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang babae matapos magtamo ng sugat nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Lasam, Cagayan, kahapon.

Ayon kay Police Master Sergeant Ronnie Vidad, imbestigador ng kaso, dumungaw sa kanilang bintana ang biktima na si Cristy Carlos, 32, ng Brgy Cabatacan West, para sana dumura nang barilin siya ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ng tama ng baril sakanyang kamay ang biktima na dumagos sakanyang dibdib na agad namang isinugod sa pagamutan.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para sa agarang pagkahuli ng suspek at kung ano ang motibo sa pamamaril.