Lumakas pa ang bagyong Julian habang tinutumbok ang Batanes at Babuyan Islands at huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 km timog silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 185 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Sa ngayon ay nakataas na ang Signal No.4 sa Batanes at hilagang silangang bahagi ng BabuyanIslands, signal No. 3 sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands habang Signal No. 2 naman sa Mainland Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.

Samantala, Signal No. 1 ang Ilocos Sur, La Union, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, maging ang hilaga at gitnang bahagi ng Aurora.

-- ADVERTISEMENT --