Natagpuan ang bangkay ng isang sanggol na babae na palutang-lutang sa baybayin ng Barangay Jawili.

Ayon sa mga residente na naliligo sa dagat, kanila agad itong iniulat sa mga awtoridad matapos makita ang labi ng sanggol.

Isang pari ang nag-alay ng dasal para sa bata bago ito inilibing sa lokal na sementeryo sa Tangalan.

Pinaniniwalaang bagong silang ang sanggol.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang ina at kung sino pa ang maaaring may kinalaman sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --