Patay na nang marekober ng mga otoridad ang dalawang taong gulang na batang lalaki na nalunod sa irrigation canal ng Brgy San Luis, Pudtol, Apayao.

Ayon kay PLT Marvin Fey-agan ng PNP-Pudtol na nakikipagalaro ang hindi na pinangalanang biktima sa isang anim na taong gulang na bata na kapwa nakasakay sa isang bisikleta na may sidecar malapit sa irigasyon.

Sinabi ni Fey-agan na aksidenteng nahulog sa irigasyon ang sinasakyang bisikleta ng dalawa na bagamat sumabit ay nahulog sa tubig ang biktima na dahilan ng kanyang pagkalunod.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng umasikasong duktor.