Umabot na sa halos isa’t kalahating milyon ang bilang ng ating mga kababayan na nagparehisto para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Base ito sa datos simula August 1 hanggang 7.

Pinakamarami ang nagparehisto noong August 7 kung saan umabot sa mahigit 235,000.

Calabarzon ang may pinakamaraming nagparehisto, sinundan ng Region 3, 5, NCR at Region 7.

Tatagal ang nationwide voter registration hanggang sa Linggo, August 10.

-- ADVERTISEMENT --