TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 58 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos.

Ito’y matapos makapagtala ng dalawang bagong namatay dahil sa virus na mula sa Cagayan at Isabela.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-Region 2, ang probinsya ng Isabela ang may pinamaraming naitalang nasawi dahil sa virus na 22 sinundan ng Nueva Vizcaya na 21, Cagayan 14 at isa sa Santiago City.

Nasa 22 naman ang bagong kumpirmadong kaso ng nakamamatay na sakit kung saan 14 ay mula sa Cagayan at tig-apat ang Santiago City at Isabela.

Sa ngayon, 3,683 na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa rehiyon, 237 ang aktibo at 3,388 ang nakarekor o gumaling mula sa virus.

-- ADVERTISEMENT --