Tuguegarao City- Patuloy na inaaalam ng pulisya ang motibo sa nangyaring pamamaril sa isang negosyante sa Brgy. Balzain East, Tuguegarao City.
Kinilala ang biktima na si William Del Rosario, 41 anyos, residente ng Brgy. Tanza habang ang itinuturong suspek ay si Bonifacio Cauilan.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, magkasama ang biktima at suspek na naglalakad sa nasabing lugar na may kasamang isa pang babae at sa hindi mabatid na dahilan ay bigla nalamang umanong bumunot ng baril si Cauilan at pinaputukan ang biktima.
Kaugnay nito ay sinubukan pang tumakas ni Del Rosario ngunit muling pinagbabaril ito ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.
Patuloy pa rin ngayon ang imbestigasyon ng PNP Tuguegarao kaugnay sa nangyaring pamamaril