Binati ni Sen. Imee Marcos ang lalawigan ng Cagayan sa pagkadeklara nito bilang insurgency free province.
Sa kaniyang pagbisita sa lalawigan ng Cagayan, binigyang diin ni Marcos na malaking bagay na napalaya mula sa deka-dekadang impluwensiya ng rebeldeng grupo ang lalawigan.
Dahil dito, sinabi ni Marcos na napapanahon ang pamamahagi ng libreng lupa sa mga magsasaka para magtuloy-tuloy ang progreso ng kanilang buhay at ng probinsiya.
Matatandaan na inaprubahan ng Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan ang resolusyon ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) na nagde-deklara ng insurgency free o o malaya na mula sa kamay ng mga teroristang New Peoples Army o NPA ang probinsya matapos na nabuwag ang grupo ng rebeldeng East at West Front ng Komiteng Probinsiya Cagayan; pag-neutralize sa mga matataas na miyembro ng New People’s Army (NPA) at ang pagsuko ng kanilang kasamahan.
Kahapon ay pinangunahan ng senador bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr ang pamamahagi ng certificate of condonation with release of mortgage o cocrom sa 6,300 agrarian reform beneficiaries o arb’s at certificate of land ownership awards and SPLIT e-titles sa 581 magsasaka mula sa ibat ibang munisipalidad ng Cagayan sa bayan ng Solana.