Magbubukas ang Commission on Elections (Comelec) ng 10-araw na voter registration para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) simula Hulyo 1.
Target ng Comelec na makapagtala ng 1 milyong bagong rehistrado hanggang Hulyo 11, ayon kay Chairman George Garcia.
Palalawakin din ang mall registration at ‘registration anywhere’ schemes, lalo na sa NCR, upang matulungan ang mga hindi makauwi sa kanilang probinsya.
Paalala ng Comelec, hindi makakaboto ang mga hindi makakapagparehistro o makakapag-reactivate ng kanilang registration sa itinakdang petsa.
Matapos ang halalan sa Disyembre 1, tuloy pa rin ang registration hanggang 2026 o bahagi ng 2027.
Inanunsyo rin ng Comelec na hindi na kailangan ng barangay certification bilang patunay ng paninirahan, upang maiwasan ang pang-aabuso sa proseso.
Sa kasalukuyan, nasa 68.43 milyon ang rehistradong botante sa bansa.