Isinusulong ni Congressman Brian Raymund Yamusuan ng Bicol-Salo Party ang pagtatatag ng mga regional employment office.

Ito ay upang matulungan ang mga nakatatanda at mga taong may kapansanan (PWDs) na makahanap ng trabaho at makakuha ng mga pagkakataon sa pagsasanay upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan.

Naghain si Yamsuan ng House Bill (HB) 10630 na naglalayong tulungan ang mga karapat-dapat na may kapansanan at matatanda na malampasan ang edad at iba pang mga hadlang na karaniwan nilang kinakaharap kapag naghahanap ng trabaho.

Alinsunod sa HB 10630 pinahintulutan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magtatag, magpatakbo, at magpanatili ng isang tanggapan na tinatawag na Local Center for Inclusive Employment (LCIE).