TUGUEGARAO CITY-Pansamantalang isasara bukas, Agosto 7,2020 ang lahat ng field offices maging ang Regional Office ng Civil Service Commission (CSC)-Region 02 dahil magsasagawa ng disinfection bilang pag-iingat sa Coronavirus disease2019 (Covid-19).

Ayon kay Regional Director Nerissa Canguilan ng CSC-Ro2, ang pagsasagawa ng disinfection activity ay kasama sa kanilang protocol para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado maging ang kanilang mga kliyente.

Sa kabila nito, sinabi ni Canguilan na nakawork from home ang kanilang mga empleyado.

Hinimok ni Canguilan ang publiko na tawagan na lamang ang kanilang numero na 09179182585 kung may mga katanungan sa kanilang opisina.

Sinabi ni Canguilan na muling magbubukas ang kanilang opisina matapos ang isang araw na disinfection maliban sa Ilagan City na una nang isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa pagkakaroon ng local transmission.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, sa mga may transaksyon sa kanilang opisina sa Isabela ay kontakin lamang ang numero na 09367606390 at 09178875855 dahil mananatiling sarado ito hanggang Agosto 12, 2020.

Tinig ni Nerissa Canguilan