Patay ang dalawang rider sa salpukan ng kanilang motorsiklo sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Kinilala ang isang biktima na dead on arrival sa pagamutan na si alyas Randy, 50-anyos at residente ng Brgy. Bangag habang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si alyas Brian, 25-anyos at residente ng Brgy. Logac, Aparri.

Ayon kay PMSGT Christopher Duque, imbestigador ng PNP-Lallo, lumalabas sa imbestigasyon na head on collision ang nangyaring insidente sa bahagi ng national highway ng Brgy. Lalafugan, Lallo dakong alas 10:15 ng gabi nitong Martes, January 28, 2025.

Natumba sa kanilang motorsiklo ang dalawa at bumagsak sa sementadong bahagi ng lansangan kung saan malubhang tinamaan ang kanilang ulo.

Nabatid na kapwa pauwi na sa kanilang tahanan ang dalawang nasawing rider.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa impluwensiya umano ng nakalalasing na inumin si alyas Brian.

Sinabi ni Duque na bagamat may signages, madilim at madulas ang lansangan dahil sa pag-ulan nang mangyari ang aksidente.