
Nagbarilan at namatay ang dalawang lalaki na sangkot sa sabong sa Sitio Mambucano, Barangay Cabatangan, Talisay City, Negros Occidental kahapon.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pauwi ang 32-anyos na lalaki matapos na malaman na pinagbabato ang kanyang bahay ng madaling araw nang masalubong niya ang 37-anyos na manager ng isang manukan.
Nangkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa naglabas ila ng kani-kanilang baril at nagbarilan.
Sugatan sa kanyang ulo ang mas bata at ang mas matanda ay nagtamo ng tama sa kanyang dibdib.
Dinala ang dalawa sa ospital, subalit idineklara silang dead on arrival ng umasikasong doktor.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 9mm Beretta pistol, dalawang basyo ng bala at isang walang laman na magazine, isang STI caliber .45 pistol, isang basyo nito, at walang laman na magazine ng nasabing baril.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente at sa nakikita nilang motibo sa barilan ay ang dating alitan ng dalawa.