Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro na makipagnegosasyonb kay Iranian Ambassador to Manila Yousef Esmaeil Zadeh upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng Philippine-bound oil tankers sa Strait of Hormuz, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Senator Sherwin Gatchalian sa administrasyong Marcos na magsagawa ng “high-level” talks sa Iran para matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga oil tankers na papunta ng bansa sa pamamagitan ng Strait sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

Sinabi ni Castro na batay sa pahayag ni Lazaro, posibleng makikipagpulong siya sa ambassador ng Iran bukas o sa susunod na linggo.

Umaangkat ang bansa ng 98 percent ng crude oil mila sa Middle East, at ang natitirang 2 percent ay mula sa ibang Asian countries.

Una rito, sinabi ng Iran na bubuksan nila ang Strait of Hormuz maliban sa Estados Unidos at Israel at mga bansa na sumuporta sa pag-atake sa kanilang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Kaalyado ng Pilipinas ang US subalit hindi ito sangkot sa giyera laban sa Iran.