Inside Job ang isa sa tinitignang anggulo sa nagyaring panloloob sa isang gasolinahan sa lungsod ng Tuguegarao matapos manakaw ang mahigit P120k na koleksyon nito.

Ayon kay PLT Rose Marie Taguiam, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao, napansin umano ng kahera na si Marivic Salvador at ng pump attendant na si Joshua Dayag na madilim ang gasulinahan ng sila ay papasok na sa trabaho.

Kaugnay nito ay agad ding nakita ng dalawang empleyado na nakababa ang circuit breaker ng gasulinahan at bukas ang cashiers boot maging ang vault kung saan nakalagay ang mga koleksyo.

Sinabi ni Taguiam na batay sa imbestigasyon ay maaaring may kasamahan ang suspek dahil alam nila ang pasikot-sikot ng naturang tanggapan.

Lumabas din sa pagsisiyasat ng pulisya na hindi rin napuwersang binuksan ang vault dahil alam ng mga suspek kung saan nakatago ang susi na ginamit pambukas dito.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay patuloy namang iniimbestigahan ang naturang insidente at sinusuri na ng mga otoridad ang video fotages na kuha ng mga cctv sa gasulinahan upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.