TUGUEGARAO CITY – Iniimbestigahan na ng pulisya ang reklamo ng isang babaeng guro matapos madukutan ng pera sa loob ng isang mall sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang biktima na si Mary Francis Garalde ng Calayan, Cagayan.

Sa ulat ng Tuguegarao City Police Station, inilagay umano ng guro ang kanyang wallet na may lamang P20,000 at mga importanteng ID’s sa bagpack ng kanyang asawa.

Subalit matapos magbayad ng kinain nila ng kanyang asawa sa isang fastfood chain ay napansin nitong nabuksan ang bag at nawawala na ang kanyang wallet.

Sinusuri na ng pulisya ang Closed Circuit Television sa lugar upang matukoy ang suspek.

-- ADVERTISEMENT --