TUGUEGARAO CITY-Itinuturing ng PNP na suspek ang lahat ng mga nasa isang bahay sa Solana,Cagayan na pinasok umano ng kawatan.

Sinabi ni Policer Capt.Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana,inaalam na nila kung sino ang tumangay sa dalawang mamahaling celphone,rolex watch na nagkakahalaga ng P700,000 at P35,000 cash sa bahay ng mag-asawang sina Jose at Analita Torres ng Maddarulog,Solana.

Ayon kay Balisi,iniwan umano ni Analita ang kanyang isang celphone na naka-charge at isa pa sa kanyang pouch bago siya natulog ng 12:00 ng hatinggabi.

Kinaumagahan ay nagulat na lamang siya dahil nawawala na ang kanyang mga celphone at maging rolex watch ng kanyang mister sa kanyang silid.