Tinatayang aabot sa hgumigit-kumulang P150K ang halaga ng nasunog na tatlong bar sa Macapagal Avenue, Tuguegarao City.

Ayon kay SFO2 Julieta Capili ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tuguegarao, agad silang rumesponde matapos matanggap ang tawag hinggil sa sumiklab na apoy, ngunit dahil karaniwang gawa sa light materials ay agad kumalat ang apoy sa dalawa pang magkatabing establisyimento.

Sinabi ni Capili, hindi pa matukoy ang dahilan ng sunog na sinasabing nagsimula matapos may pumutok sa likurang bahagi ng Waki Bar na totally burned.

Partially burned naman ang dalawang katabing establisyimento na Angelos KTV Bar at Angels Bar.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --