Kinondena ng Iran ang pag-atake ng Israel sa Lebanon at tinawag itong malubhang paglabag sa ceasefire sa pagitan ng US at Iran. Ayon kay Deputy Foreign Minister Saeed Khatibzadeh, umabot sa 203 ang nasawi sa naturang pag-atake batay sa ulat ng health ministry ng Lebanon.

Sinabi rin ng Iran na muling bubuksan ang Strait of Hormuz kung ititigil ng Estados Unidos ang mga agresibong hakbang nito sa rehiyon.

Samantala, iginiit ni US President Donald Trump na mananatili ang pwersa ng US sa Gitnang Silangan hanggang sa tuluyang sumunod ang Iran sa kasunduan sa tigil-putukan, na aniya ay may kasamang pagpigil sa nuclear weapons at pagbubukas ng Strait of Hormuz.

Gayunman, nananatiling hindi malinaw ang eksaktong napagkasunduan sa ceasefire, habang may magkaibang ulat tungkol sa pagbubukas ng nasabing estratehikong daanan ng langis.