
Naging target umano ng joint military operation ng Estados Unidos at Israel sa kabisera ng Tehran ngayong Sabado sina Iranian Supreme Leader Ali Khamenei at President Masoud Pezeshkian, ayon sa isang senior official mula sa Israel.
Aniya, nakatuon ang operasyon sa mga commanding officers na pinaniniwalaang responsable sa malawakang pagpatay sa mga nagpoprotestang Iranian.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung naging matagumpay ang naturang operasyon.
Nakatakda rin ang mga pwersa ng US at Israel na maglabas ng “battle damage assessment” para sa tinaguriang “Roaring Lion” operation.
Bago pa man ang insidente, nangako ang Iran Foreign Ministry ng “decisive at definitive” na pagtugon bilang repleksyon sa mga airstrike ng US at Israel sa kanilang teritoryo.
Tinawag naman ng Ministry ang pag-atake bilang paglabag sa United Nations Charter.










