TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection ang tunay na sanhi ng pagkasunog ng isang bahay sa Centro Dos, Lasam, Cagayan.

Ayon sa BFP, ito ay matapos na itanggi ng may-ari ng bahay na si Maria Barata, retired teacher na mula sa sinindihang kandila sa kaniang silid ang pinagmulan ng sunog.

Ayon kay Gng. Barata, nagsimula ang apoy bandang 10:30 am nang siya ay nasa kanilang banyo at nasa labas ng bahay naman ang kanyang asawa.

Sinabi niya na agad niyang tinungo ang kanilang silid dahil sa mga narinig niyang tila pumuputok.

-- ADVERTISEMENT --

Nang buksan niya ang pintuan ng silid ay malaki na ang apoy.

Agad naman na itinawag ito sa BFP kung saan agad na naapula ang sunog.