Patuloy na pinaghahanap ang katawan ng lalaki na nalunod sa ilog sa bahagi ng bayan ng Amulung, Cagayan kahapon ng umaga.

Sinabi ni PMAJ Jose Cabaddu, hepe ng PNP Amulung, lumabas sa imbestigasyon na galing ang biktima na 56 anyos, residente ng Barangay Bolo sa isang lamay sa Brgy. Centro kung saan ay nagkaroon ng inuman.

Nang magpasiya itong umuwi kasama ang iba pa ay kailangan nilang sumakay ng bangka dahil sa sarado ang steel bridge sa Brgy. Anquiray dahil sa umapaw ang tubig mula sa ilog dahil sa mga pag-ulan.

Sinabi ni Cabaddu, batay sa salaysay ng kasama ng biktima, nainip umano ang biktima sa paghihintay ng bangka ng lokal na pamahalaan at nagpasiya na tawirin ang tulay.

Malapit na umano sa kabilang pampang ng ilog ang biktima nang siya ay madulas at tinangay siya ng malakas na agos ng tubig.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Cabaddu na nagbigay na rin sila ng flash alarm sa mga kalapit na barangay ng Alcala, Gattaran at Lallo na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan kung may makita na katawan ng lalaki sa kanilang nasasakupan na ilog.