Nasampahan na ng kasong multiple murder at iba pang kaso ang tatlong suspek sa panghoholdap at pagpatay sa tatlong negosyante sa Brgy. Naddungan, Gattaran, Cagayan noong buwang Hulyo ngayong taon.

Ayon kay PMAJ Dennis Matias ng PNP-Gattaran, inaantay na lamang ang paglalabas ng korte ng warrant of arrest upang madakip na ang tatlong kataong sangkot sa karumal-dumal na pagpatay sa mga biktima na mula pa sa Nueva Ecija.

Nabatid na nagkita ang mga biktima at suspek sa bayan ng Lal-lo para sa bibilhing second-hand na tractor hanggang sa nagpunta ang mga ito sa Allacapan upang tumingan pa ng mga nasabing farm machineries subalit walang availlable kaya nagpasya ang mga ito na bumalik sa bayan ng Lal-lo.

Nang makarating na ang mga ito sa Lal-lo ay inagaw ng isa sa tatlong suspek ang manibela ng sasakyan at nagdeklara ng holdap hanggang sa pinagbabaril ang mga biktima kung saan tinangay rin ang nasa P900K na halaga ng pera ng mga biktima.

Sinabi ni Matias na ang isang biktima ay pinatay sa bayan ng Lal-lo habang ang dalawang iba pa ay pinatay sa boundary ng Lal-lo at Brgy Naddungan, Gattaran.

-- ADVERTISEMENT --